Hindi sasalang si Michele Gumabao sa 2022 Premier Volleyball League Open Conference para sa kanyang koponang Creamline Cool Smashers.

Ito ay dahil pagtutuunan ng pansin ni Gumabao ang pangangampanya para sa halalan, kung saan siya ang ikalawang nominee ng bagong party-list na Mothers for Change (MOCHA).

Gayunman, nilinaw ng 29-anyos na manlalaro na parte pa rin siya ng Creamline.

“As of now po, naka-leave of absence indefinitely po ako pero I’m still with Creamline,” saad ni Gumabao sa panayam ng ONE PH.

Si Mocha Uson ang unang nominee ng MOCHA.

“Kung makapasok naman po yung party list, Mocha would be our first nominee so siya po muna yung makakapasok and if God-willing na makapasok naman po ako we’ll see,” dagdag pa ni Gumabao.

The post Magiging ‘nanay’: Michelle Gumabao pahinga sa volleyball first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/magiging-nanay-michelle-gumabao-pahinga-sa-volleyball/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=magiging-nanay-michelle-gumabao-pahinga-sa-volleyball)