Sinimulan na ng gobyerno ang pagkolekta sa mas mataas na “sin taxes” simula nitong Enero 1.

Kinakailangan na magbayad ng mas malaki ng mga umiinom ng alak at naninigarilyo ngayong taon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11467, na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero ng nakaraang taon, tataas ang excise taxes ng mga produktong alak.

Ang buwis sa mga distilled spirit ay nasa P52 kada proof liter; P39 kada litro para sa beer; at P56 naman para sa wine.

Habang ang excise taxes sa mga sigarilyo ay tataas sa P55 kada pakete ngayong taon, kumpara sa P50 kada pakete noong 2021.

The post Mataas na buwis sa alak, sigarilyo epektibo na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mataas-na-buwis-sa-alak-sigarilyo-epektibo-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mataas-na-buwis-sa-alak-sigarilyo-epektibo-na)