Matapos mag-viral ang photo kasama si Seth Fedelin na nangyari umano noong Bagong Taon, lumobo sa mahigit limang milyon ang mga follower ni Francine Diaz sa Instagram.

Kamakailan nagulantang ang mga tagasuporta nina Francine at Seth matapos lumutang ang isang larawan kung saan makikita na magkasama silang nagdiwang ng Bagong Taon.

Marami ang kinilig lalo pa’t bagay umano ang dalawa, ngunit marami rin ang nag-alala para kay Andrea Brillantes, na ka-loveteam ni Seth sa “Kadenang Ginto” at nagtuloy sa iba pang proyekto.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-upload si Francine ng clip habang siya’y kumakain.

Nilagyan niya ito ng caption na: “HANGRY. Happy 5M!!! Let’s eat!!”

The post Matapos mag-New Year kasama si Seth: Francine lumobo sa 5M mga follower first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/matapos-mag-new-year-kasama-si-seth-francine-lumobo-sa-5m-mga-follower/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=matapos-mag-new-year-kasama-si-seth-francine-lumobo-sa-5m-mga-follower)