Tatlong preso ang nakatakas sa maximum security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ngayong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang mga preso bilang sina Arwin Bio y Villeza, 35; Drakilou Yosores y Falcon, 34; at Pacific Villacruz y Adlawan, 49.

Si Villeza ay nakakulong sa kasong homicide at attempted homicide, habang si Falcon ay may kasong robbery with homicide at frustrated homicide at drugs naman ang mga kaso ni Adlawan.

Batay sa ulat ng Bureau of Corrections (BuCor), armado ang tatlo at pinagbabaril ang mga gwardiya sa Gate 4 at Gate 3.

Naganap ang pagtakas dakong alas-1:20 ng madaling araw.

Tinahak ng mga preso ang direksyon ng Sitio Magdaong sa kanilang pagtakas.

Sugatan ang tatlong gwardiya ng NBP at isang preso at dinala sa pagamutan.

Ikinasa na ng mga awtoridad ang imbestigasyon sa pangyayari maging ang hot pursuit operation upang mahuli ang tatlo. (MJD)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Mga bantay pinagbabaril! 3 preso nakapuga sa bilibid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-bantay-pinagbabaril-3-preso-nakapuga-sa-bilibid-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-bantay-pinagbabaril-3-preso-nakapuga-sa-bilibid-2)