Tuloy sa Enero 31 ang pagsisimula ng Phase 2 ng limited face-to-face class sa mga pamantasan at kolehiyo na ang lugar ay nasa Alert Level 3, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Sa kabilang dako, ang mga higher educational institution (HEI) na nasa Alert Level 2 na lugar ay maaari nang magsimula sa kanilang limited face-to-face class anumang araw.

“Application to CHED is not a requirement for the conduct of the limited face-to-face classes. HEIs intending to hold limited face-to-face classes during the COVID-19 pandemic must be willing to assume the responsibilities for the reopening of their campuses based on their capability to comply with the health and safety protocols, to retrofit their facilities, and to get the support of their stakeholders,” saad sa pahayag ng CHED nitong Martes.

Sa ilalim ng pamantayan ng CHED, ang mga bakunadong estudyante, guro at staff ng paaralan lamang ang papayagang makabalik sa limitadong face-to-face class.

Sa kabilang dako, ikinabahala ng Alliance of Concerned Teachers ang pagbabalik sa face-to-face class at humirit ng dalawang linggong ‘health break’ matapos lumabas sa kanilang survey na 55.1% ng mga public school teacher sa Metro Manila ay nakararanas ng flu-like symptom.

The post Mga kolehiyo balik face-to-face class sa Enero 31 – CHED first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-kolehiyo-balik-face-to-face-class-sa-enero-31-ched/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-kolehiyo-balik-face-to-face-class-sa-enero-31-ched)