Inalerto ng Malacañang ang mga lokal na pamahalaan para paghandaan ang sitwasyon ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa kani-kanilang nasasakupan mula sa Omicron COVID-19 variant.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na mahalagang makapaghanda ang local government units para agad na mapigilan ang mas posible pang pagkalat ng Omicron virus.

“Panawagan sa lahat ng LGUs, to already prepare your telemedicine and tele-health facilities. Increase also the bed capacities of your temporary treatment and maintenance and monitoring facilities. Dito tayo nag-i isolate ng mga mild cases ng COVID,” ani Nograles.

Sa pamamagitan nito aniya ay hindi agad agad dadalhin sa mga ospital ang mga tatamaan ng COVID-19 lalo na kung hindi malala ang epekto nito sa mga bakunadong indibidwal.

Pupuwede aniya ang home quarantine o home isolation subalit kinakailangang masiguro na aktibong namomonitor ng barangay health emergency response team ang mga naka-home quarantine.

Sinabi ni Nograles na magiging prayoridad sa mga hospital ang mga may malalang kundisyon sa COVID-19 partikular ang mga may edad at may comorbidities.

Inatasan din ng IATF ang mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region plus na dagdagan ang bed capacities sa NCR at mga kalapit -lalawigan gaya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal at iba pang mga lugar.

Nais din ng IATF na dagdagan ang kapasidad ng mga laboratoryo lalo na sa mga gumagawa ng RT-PCR testing sa harap ng mabilis na pagkalat ng Omicron variant.

“For the labs, we want to push the labs to increase their capacities, especially RT-PCR labs and speed up the applications also of new labs para mas marami rin ang makakatulong sa atin toon doon sa RT PCR testing natin,” dagdag ni Nograles. (Aileen Taliping)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Mga LGU pinaghahanda sa kanilang pasilidad dahil tumataas sitwasyon sa Covid first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-lgu-pinaghahanda-sa-kanilang-pasilidad-dahil-tumataas-sitwasyon-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-lgu-pinaghahanda-sa-kanilang-pasilidad-dahil-tumataas-sitwasyon-sa-covid)