Ekis muna uli ang live audiences ng Philippine Basketball Association sa oras na magbalik dribol ang 2021-22 Governors’ Cup elims sa unang linggo ng Pebrero.

Ayon Martes kay league commissioner Willie Marcial, dahil sa mataas pa ring kaso ng COVID-19 sa bansa hindi muna pahihintulutan ang mga manonood sa playing venue.

“Sa akin, kung papayagan tayo [audience], mas okay. Pero sa tingin ko, a couple of weeks, wala munang audience,” sey ni Marcial sa Spin.ph.

Nakabalik sa panood ang mga fan noong Disyembre sa Smart Araneta Coliseum sa limited capacity pero natigil nang mahinto ang liga nitong Enero 5 sanhi sa sirit ng COVID.

Nakikipag din sa Marcial sa paglalaruan ng liga na Smart Araneta Coliseum, SM Mall of Asia Arena at Ynares Sports Arena. (Janiel Abby Toralba)

The post Mga miron ban pa sa PBA first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-miron-ban-pa-sa-pba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-miron-ban-pa-sa-pba)