Umabot na sa 407 ang bilang ng mga namatay dahil sa Bagyong Odette nitong Sabado, Enero 1.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), naitala rin ang 82 na nawawalang indibidwal.
Nasa 535,373 bahay naman ang nasira ng nasabing bagyo, kung saan 170,350 dito ang tuluyang nawasak.
Samantala, may kabuuang 334 na lungsod at munisipalidad ang isinailalim na sa state of calamity.
Si Odette ang tinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa sa taong 2021.
The post Mga nasawi dahil kay ‘Odette’ higit 400 na — NDRRMC first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-nasawi-dahil-kay-odette-higit-400-na-ndrrmc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-nasawi-dahil-kay-odette-higit-400-na-ndrrmc)
0 Mga Komento