Dahil sa lumalalang sitwasyon ng COVID sa bansa, napagdesisyunan ng PBA na isuspinde muna ang mga laro at mga ensayo ng mga koponan.
Sa ngayon, ang Metro Manila, at mga karatig-lalawigan na Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, ay isinailalim sa Alert Level 3.
Sa naturang alert level, pwede ang mga liga ng contact sports ngunit sa isang bubble set-up lamang.
Matatandaang noong Disyembre ay nagpapasok na ng mga fan sa Araneta Coliseum ang PBA.
“Yung health and safety talaga ng lahat ang importante. Mahirap na, we can’t put the people under our care at risk, ganun din yung mga makakasalamuha nila. Mabuti na yung nag-iingat,” wika ni commissioner Willie Marcial.
Samantala, maging mga scrimmage ay hindi rin muna papayagan.
Sa mga team workout naman, hanggang pito katao lang ang papayagan sa isang grupo.
The post Mga PBA team wala munang mga laro, ensayo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pba-team-wala-munang-mga-laro-ensayo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pba-team-wala-munang-mga-laro-ensayo)
0 Mga Komento