Muling tinapyasan ng Commission on Elections (Comelec) ang pangalan ng mga tatakbong presidente sa darating na halalan sa pinakahuling tentative list na kanilang inilabas ngayong Huwebes.

Mula sa 15 pangalan sa nakaraang tentative list, 11 na lamang ang mga pangalang nasa listahan para sa posisyon ng pagkapangulo.

Ang mga ito ay sina:

  1. Abella, Ernie
  2. Arcega, Gerald
  3. De Guzman, Leody
  4. Domagoso, Isko Moreno
  5. Gonzales, Norberto
  6. Lacson, Panfilo
  7. Mangondato, Faisal
  8. Marcos Jr., Ferdinand ‘Bongbong’
  9. Montemayor, Jose Jr.
  10. Pacquiao, Manny
  11. Robredo, Leni

Ang mga nasa tentative list noong nakaraan na tinanggal na ng Comelec ay sina Andes Hilario, Danilo Lihaylihay, Maria Aurora Marcos at Edgar Niez.

Samantala, nananatiling siyam na pangalan ang nasa tentative list para sa mga vice presidential bet.

Ang mga ito ay sina:

  1. Atienza, Lito
  2. Bello, Walden
  3. David, Rizalito
  4. Duterte, Sara
  5. Lopez, Manny SD
  6. Ong, Doc Willie
  7. Pangilinan, Kiko
  8. Serapio, Carlos
  9. Sotto III, Vicente ‘Tito’

Bukod pa rito, binawasan din ang mga senatoriable na mula 70 noong nakaraan ay 64 na lamang sa ngayon.

The post Mga presidentiable 11 na lang; mga VP bet 9 pa rin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-presidentiable-11-na-lang-mga-vp-bet-9-pa-rin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-presidentiable-11-na-lang-mga-vp-bet-9-pa-rin)