Binalaan ang mga pet owner sa South Korea na maging alerto matapos mahigit 100 sunog ang sumiklab sa bansa dahil sa mga pusa.

Ayon sa CNN report, mahigit 100 bahay ang naabo sa nakalipas na tatlong taon sa Seoul.

Sabi ng Seoul Metropolitan Fire and Disaster Department, pusa ang nagdulot ng kabuuang 107 sunog sa mga kabahayan sa pagitan ng Enero 2019 at Nobyembre taong 2021.

Pinaniniwalaang ang mga pusa ang nagsimula ng sunog sa pamamagitan ng pagbukas ng mga electric stove.

Maaaring nabuksan ng mga pusa ang mga electric stove sa pamamagitan ng pagtalon sa mga touch-sensitive na button — at kapag nag-overheat, maaaring lumiyab ang mga appliances at pagmulan ng sunog.

Bukod sa South Korea, ang mga alagang hayop din ang dahilan ng nasa 1,000 sunog sa mga bahay sa United States kada taon, ayon sa American Humane Association.

The post Mga pusa nanunog sa South Korea first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pusa-nanunog-sa-south-korea/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pusa-nanunog-sa-south-korea)