Maaari na umanong ilarga sa unang linggo ng Pebrero ang pagbabakuna sa mga bata edad lima hanggang 11, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Ani Galvez, mula Pebrero 1 hanggang Pebrero 7 ay magkakaroon ng ‘mini rollout’ ng mga bakuna para sa mga tsikiting.

Ang mga bakunang Pfizer lang ang aprobado para iturok sa mga nabanggit na edad.

Kaugnay nito, may 15 milyon doses ng Pfizer ang inilaan ng pamahalaan para sa mga bata at ang unang batch ng mga ito ay darating sa huling linggo ng Enero.

Tangka ng pamahalaan na makapagbakuna ng 14.7 milyon bata mula sa nasabing age group. (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Mga tsikiting tuturukan sa Pebrero – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-tsikiting-tuturukan-sa-pebrero-galvez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-tsikiting-tuturukan-sa-pebrero-galvez)