Tila na-trauma na si presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa tanong ng mga lehitimong media, kaya madalas ay sa mga vlogger na lang nagpapaunlak ng interview.

Sa pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., sinabi nito na kaya tumanggi ang dating mambabatas sa ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ ay dahil bias umano si Soho kontra sa mga Marcos.

“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM,” lahad ng kampo ni Marcos Jr.

Lahad pa, gusto umano ng presidential aspirant na magpokus sa mga problemang dulot ng COVID-19 at mga programa para maibangon ang ekonomiya ng bansa.

Giit pa ni Rodriguez, hindi raw ‘duty’ ni Marcos Jr na sumagot sa kahit anong TV show at programa.

“Presidential aspirant Bongbong Marcos duty is to the Filipino people and not to a particular TV show or program host,” lahad ng kampo nito.

Samantala, lumutang naman sa social media ang dating panayam ni Soho kay Marcos Jr, kung saan tila nauutal-utal sa pagsagot ang dating mambabatas nang tanungin tungkol sa mga nangyaring human rights abuse noong panahon ng martial law.

The post Na-trauma na? Jessica Soho bias, puro nega tanong – Marcos Jr. camp first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/na-trauma-na-jessica-soho-bias-puro-nega-tanong-marcos-jr-camp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=na-trauma-na-jessica-soho-bias-puro-nega-tanong-marcos-jr-camp)