Lalong lumakas ang usap-usapan tungkol sa rumored relationship ni Nadine Lustre kay Christophe Bariou matapos ipost ng aktres ang sweet moment nilang dalawa sa social media.

Hindi na kailangan pa ng mahabang caption ni Nadine sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang malagkit nilang titigan ni Christophe habang may fireworks pa sa background.

Tila nasa gitna rin ng salo-salo ang dalawa dahil pareho silang may hawak na inumin sa naturang litrato.

Inulan ng heart emoji ang comment section ng naturang post ni Nadine.

Matatandaang nitong bagong taon lang ay nakisaya sa pamilya Lustre si Christophe.

At maging sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette ay magkatulong din ang dalawa. (MJD)


Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Nadine, Christophe malagkit na ang tinginan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nadine-christophe-malagkit-na-ang-tinginan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nadine-christophe-malagkit-na-ang-tinginan)