Nakuhanan ng isang hunter sa Montana, USA ang isa umanong naglalakad na nakahubad na alien.
Ayon sa hunter na si Donald Bromley, una niyang inakala na tao ang naispatan ng kanyang camera ngunit nang pagmasdan niya umano nang mabuti ang larawan ay iba ang anyo nito.
Kulay gray din ang ‘alien’ at kakaiba ang hugis ng ulo.
Ang alien ay nakuhanan sa lugar na tinatawag na Redgate, na kilala rin sa mga ulat tungkol sa mga alien at iba pang misteryo.
“The more I look at it was just odd, it was out of place and everything just matches the alien persona, the bigger bulbous head, you can tell he has no clothes, it’s kind of a transparent being,” wika ni Bromley sa panayam ng local media.
“It’s just very rich in the paranormal field, like the UFOs, lights in the sky unexplainable things,” dagdag pa nito.
Dahil dito, balak ng isang residente sa lugar na gumawa ng dokumentaryo tungkol sa nakahubad na alien. (MJD)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nakahubad-na-alien-naispatan-sa-montana-usa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nakahubad-na-alien-naispatan-sa-montana-usa)
0 Mga Komento