Naloka ang mga co-star ni Paolo Gumabao sa pinaggagawa nito sa movie na “Silip sa Apoy” ng Vivamax.

Sinabi ni Sid Lucero sa online presscon ng nasabing pelikula, nagulat sila dahil game na game si Paolo sa mga daring scene na pinagawa ng direktor na si Direk Mac.

Ayon sa direktor: “Maloloka sila kapag pinanood nila. Maloloka talaga sila kapag nakita nila.

“Isipin na lang ninyo, kapag yung karakter ni Paolo na si Alfred, e, naninilip at yung sinisilip niya, yung nakikita niya sa paninilip niya, e, very graphic na sex act. Anong gagawin niya habang sumisilip siya? So yun lang muna ang masasabi ko,” bitin na sabi ni Direk Mac.

Ayon naman kay Paolo, nagpapasalamat umano siya sa mga binibigay na daring roles dahil hinuhubog siya nito bilang isang magaling na artista.

Aniya, kailangan ng matinding focus sa paghuhubad sa harap ng kamera.

“It takes a lot of focus to be butt naked and then still be able to act. These roles na nabibigay sa akin, I’m really thankful kasi, they’re really pushing me to my limits and I’m being pushed outside of my comfort zone, which is a good thing. If you’re not being pushed outside of your comfort zone then you’re not learning as much. So, I’m very happy na ganu’n yung mga roles na nakukuha ko ngayon,” paliwanag ng aktor.

The post Nanilip? Paolo Gumabao may ginawang kababalaghan sa ‘Silip sa Apoy’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nanilip-paolo-gumabao-may-ginawang-kababalaghan-sa-silip-sa-apoy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=nanilip-paolo-gumabao-may-ginawang-kababalaghan-sa-silip-sa-apoy)