Pumanaw na ang National Artist for Literature na si F. Sionil Jose sa edad na 97, nitong Huwebes, Enero 6.
Inanunsyo ng kaniyang pamilya ang kaniyang pagpanaw sa kaniyang social media.
“Our father passed away peacefully this evening. Many years ago, he told us this is what he wants written about him: ”He wrote stories and he believed in them,” saad sa Facebook post ng kaniyang pamilya.
Ayon naman sa kaniyang asawang si Tessie Jovellanos Jose, namatay si Jose sa Makati Medical Center kung saan dapat sasailalim siya sa isang angioplasty sa Enero 7.
Ang mga gawa ni Jose ay nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa limang magkakahiwalay na taon.
Nakatanggap din si Jose ng pagkilala mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Dahil sa mga kontribusyong ni Jose sa Philippine literature, pinangaralan ito ng pamahalaan ng bansa ng titulo na National Artist for Literature noong 2001. (Sherrylou Nemis)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/national-artist-f-sionil-jose-pumanaw-sa-edad-na-97/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=national-artist-f-sionil-jose-pumanaw-sa-edad-na-97)
0 Mga Komento