Ibababa na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 2 para sa banta ng COVID-19 ang National Capital Region simula sa Martes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 15.
Ito ang pahayag ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles nitong Linggo.
Kabilang din sa isinailalim sa Alert Level 2 sa Luzon ay ang Batanes, Bulacan, Cavite, at Rizal; sa Visayas naman ay ang Biliran at Southern Leyte; habang sa Mindanao ay ang Basilan.
Samantala, nitong Enero 29, nasa 17, 382 indibidwal ang naitalang nahawaan ng COVID-19, ayon sa datos ng Department of Health.
(Sherrylou Nemis)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ncr-ilang-lalawigan-ibinaba-na-sa-alert-level-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ncr-ilang-lalawigan-ibinaba-na-sa-alert-level-2)
0 Mga Komento