Pinayuhan ng komedyante na si Kakai Baustista ang mga kabataan na umaastang mga adult sa social media.

Aniya, kahit na may mga katulong ang mga ito ay dapat marunong pa rin maglaba ng kanilang underwear.

Hirit ni Kakai: “Kayong mga kabataan, bago kayo mag-aarteng Adult sa Social Media, Matuto muna kayong maglaba ng mga Panty at brief nyo. Kahit may katulong pa kayo sa bahay, kayo dapat ang naglalaba nyan. NO TO SALA-ULA. #justsaying.”


Ayon pa kay Kakai, siya ang naglalaba ng kaniyang underwear dahil aniya “personal hygiene” ito. Ngunit minsan nga lang daw ay may taga-banlaw siya.

“FYI ako ang naglalaba ng mga Panties ko. Babad muna tapos banlaw. Si Lucy minsan taga banlaw. Ayoko kase talaga ipalaba sa iba. Personal Hygiene yun eh. Taas kamay ng mga adult na pero sila paren naglalaba ng underwear nila!!!!” ani Kakai.


Dahil sa post, nakatanggap ng pang-ba-bash si Kakai, subalit tinawanan lang ito ng komedyante.

Saad ni Kakai sa mga basher, imbis na sa mukha niya at sa ugali ma-stress ang mga ito ay problemahin na lang nila ang kanilang sarili.

“Sarap Tumawa guysh. Usapang panty tayo today. Sana ok lang kayong lahat dyan lalo na mga masusugid kong Followers. At yung mga dumadaan at tumatambay dito na nang-uurat lang, alis nalang kayo. Wag nyo nang istress ang mga sarili nyo sa MUKHA ko at UGALI. Problemahin nyo nalang sarili ninyo. Juskow. Maraming Salamat sa suporta sa mga REAL TALK ko. ❤️ Sana may napupulot kayo. Labyuh beybies!!!!” dagdag pa nito.


(Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post No to salaula! Kakai payo sa kabataan: Maglaba panty, brief bago mag-inarte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-to-salaula-kakai-payo-sa-kabataan-maglaba-panty-brief-bago-mag-inarte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-to-salaula-kakai-payo-sa-kabataan-maglaba-panty-brief-bago-mag-inarte)