Suportado ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang hakbang ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na huwag papasukin sa mga establisyimento ang mga hindi pa bakunadong indibidwal.

Sa harap na rin ito ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni DILG Spokesman Jonathan Malaya na sang-ayon sila sa desisyon ni MMDA Chairman Benjamin Abalos para mapigilan ang mas lalo pang pagkalat ng kontaminasyon ng COVID-19.

Karamihan aniya sa mga tinamaan ng virus ay mga hindi bakunado kaya dapat lamang na higpitan ang pagkilos ng mga ito para hindi makapanghawa ng ibang tao.

“We fully support the position of MMDA to ban unvaccinated individuals in public places. Maganda po yung naging desisyon nila na dapat sa bahay lamang sila and they should not be allowed in restaurants, leisure, establishments, to go on social trips, malls, public transportation,” ani Malaya.

Sinusuportahan din aniya ng DILG ang polisiya laban sa mga manggagawang hindi pa nababakunahan na sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo mula sa sarili nilang gastos at dapat ay negatibo ang resulta sa COVID-19. (Aileen Taliping)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post ‘No vaccine no entry’ sa establisyimento OK sa DILG first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-vaccine-no-entry-sa-establisyimento-ok-sa-dilg/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-vaccine-no-entry-sa-establisyimento-ok-sa-dilg)