Itinanggi ng St. Clare College-Caloocan City ang alegasyon na mayroon itong ‘no vaccination, no scholarship’ policy.
Sa isang pahayag sa Facebook page, sinabi ng eskuwelahan na hindi ito maglalabas kailanman ng katulad na polisiya at patuloy umano itong isinusulong na makapagbigay ng abot-kayang de kalidad na edukasyon sa mga kabataang Pilipino.
Nilinaw ng eskuwelahan na ang paghingi ng vaccination card ay bilang tugon sa ordinansa ng Caloocan City habang ipinatutupad ang Alert Level 3.
“This policy is in compliance with the CALOOCAN CITY ORDINANCE NO. 0959 Series of 2022 limiting the entrance of individuals in all establishments in the city to protect the citizens against the spread of COVID VIRUS,” saad ng pahayag ng paaralan.
Iginiit ng St. Clare College na nagbibigay ito ng scholarship sa mula pa noong 1987 sa pamamagitan ng ERNESTO M. ADALEN SCHOLARSHIP PROGRAM. Mahigit sa 3,000 umano ang kasalukuyang scholar nito at patuloy umanong tutulong ang paaralan sa mga estudyante upang maabot ang kanilang pangarap.
Nauna rito, naglabas ng pahayag ang Kabataan party-list na may titulong: “No vax, no scholarship’ in Caloocan school betrays right to education.”
Ayon sa Kabataan party-list, naglabas ng guidelines ang St. Clare College kaugnay ng Tertiary Education Subsidy (TES) grant mula sa Commission on Higher Education (CHED).
“The guidelines stated that only vaccinated grantees are allowed to process their government scholarship. They are required to present their vaccination cards upon making the transaction,” saad ng pahayag ng Kabataan.
Iniugnay ng Kabataan ang umano’y guidelines sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte’s na limitahan ang galaw ng mga hindi bakunado laban sa COVID-19.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/no-vax-no-scholarship-policy-fake-news-st-clare-college/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=no-vax-no-scholarship-policy-fake-news-st-clare-college)
0 Mga Komento