Kumbinsido si Noli de Castro na si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang most qualified na presidentiable matapos ang panayam nito sa ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’.

Ayon kay De Castro, bumilib siya sa pagiging diretsong sumagot ni Lacson sa mabibigat na tanong ni Soho.

Bukod pa dito, nakita rin ni De Castro ang malawak na kaalaman ni Ping pagdating sa disaster response at kriminalidad.

“Marami sa mga nakausap kong nakapanood ng interview ang humanga sa mga sagot ni Senator Ping. Alam niya talaga ang kanyang trabaho,” wika ni De Castro sa Politiko.

Sa naturang panayam, sinaad ni Lacson na kaya niya gustong maging Pangulo ay para ma-transform ang Pilipinas para sa mga susunod na henerasyon.

“Ayoko na sanang magpatuloy pero nakita ko yung napakalaking problema ng bansa. Sa akin, tinitingnan ko itong presidency as a sacrifice kasi nakapagsilbi na ako. Nagawa ko na ang dapat kong gawin. ‘Yun ang aking satisfaction sa buhay,” lahad ni Lacson.

The post Noli de Castro: Maraming humanga kay Ping sa Soho interview first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/noli-de-castro-maraming-humanga-kay-ping-sa-soho-interview/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=noli-de-castro-maraming-humanga-kay-ping-sa-soho-interview)