Nabigo ang gobyerno na maabot ang target na ma-fully vaccinate ang hindi bababa sa 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon.
Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na naantala ang mass vaccination program ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa pananalasa ng Bagyong Odette sa anim na rehiyon sa bansa.
Batay sa mga numero mula sa National COVID-19 Vaccination Dashboard nitong Sabado, 49,765,213 na indibidwal lamang ang nakatanggap ng kumpletong dosis ng bakuna para sa COVID-19 noong Disyembre 31.
“If only Odette did not come to hit our country, we could have reached the 54-million target,” ani Galvez.
Samantala, ayon kay Galvez, maaari pa ring maabot ang 54 milyong target sa una o ikalawang linggo ng Enero.
The post NTF: 54M target mabakunahan hindi naabot dahil kay ‘Odette’ first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ntf-54m-target-mabakunahan-hindi-naabot-dahil-kay-odette/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ntf-54m-target-mabakunahan-hindi-naabot-dahil-kay-odette)
0 Mga Komento