Nabahala ang independent research group na OCTA matapos dumoble ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 na na-admit sa mga ospital.

Ayon sa OCTA, tumaas sa 41 porsiyento ang bilang ng mga okupadong hospital bed para sa COVID-19 sa National Captial Region sa loob ng isang linggo.

“The number of occupied hospital beds for COVID-19 in the NCR increased to 41 percent over a span of one week, from 1,381 on December 24 to 1,942 on December 31,” pahayag ni Dr. Guido David ng OCTA research.

Ayon sa pinakahuling bulletin ng Department of Health (DOH), 25 porsyento ng 1,300 ICU bed at 23 porsyento ng 4,700 isolation bed para sa mga pasyente ng COVID-19 sa NCR ang okupado.

Samantala, inilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang NCR sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, kasunod ng matinding pagtaas ng mga bagong kaso ng coronavirus.

The post OCTA: Mga ospital sa NCR tumaas ng 41% bed occupancy first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/octa-mga-ospital-sa-ncr-tumaas-ng-41-bed-occupancy/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=octa-mga-ospital-sa-ncr-tumaas-ng-41-bed-occupancy)