Isiniwalat ni Aduke Ogunsanya ang takot sa pag-alis sa poder ni Ramil De Jesus na coach ng F2 Logistigs sa Premier Volleyball League at De La Salle University sa University Athletic Association of the Philippines.
“Parang hindi ko ma-explain in just one sitting kasi ang daming factors on why I decided to leave F2 and La Salle,” litanya ng dating team captain ng DLSU Lady Spikers sa ‘The Game’ ng One Sports Martes. “Pero the main reason is to grow and learn more about myself and very [firm] naman ako with my decision.”
Kabilang na ang 5-foot-10 blocker sa bagong alas ng Choco Mucho na magpapasiklab sa 2nd PVL 2022 Open Conference na sisiklab sa Pebrero 16 sa Paco, maynila o Tagaytay, Cavite.
“At first, takot ako kasi more than eight years na rin ako naging under sa guidance ni Coach Ramil,” pag-amin ni Ogunsanya. “Going out of my comfort zone was scary for me. Pero take it or leave it eh. Parang lakasan ko na lang ang loob ko and I decided to take my journey sa labas ng F2 and La Salle.”
Pinanapos ng balibolista ang kanya namang kasabikan sa mga bagong kasama sa Flying Titans. (Janiel Abby Toralba)
The post Ogunsanya kabadong sumibat ng F2, La Salle first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ogunsanya-kabadong-sumibat-ng-f2-la-salle/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ogunsanya-kabadong-sumibat-ng-f2-la-salle)
0 Mga Komento