Hindi umano dapat mawalan ng pag-asa ang taumbayan sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID dahil sa Omicron, dahil ang maaaring ang naturang variant pa umano ang maging katapusan ng pandemya, ayon kay Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research Group.

Sa GoNegosyo Town Hall Meeting noong Miyerkoles, ipinaliwanag ni Austriaco na ayon sa isang pag-aaral ay maaaring ang Omicron ang maging ‘natural vaccine’ laban sa COVID.

Ayon sa pari at molecular biologist, ang mga mahahawa ng Omicron variant ay makakabuo sa kanyang katawan ng antibodies na magiging proteksyon laban sa lahat ng variant ng COVID.

“So as the virus rapidly increases, it’s going to try to spread to everyone and it’s going to try to find as many of our kababayans vulnerable. It is spreading so rapidly, what you will expect is it will run out the food sooner,” ani Austriaco.

“And when it runs out of food, it will begin to crash — which is why you see in South Africa, the numbers are crashing. In London, the numbers are beginning to fall only because, once it spreads like wildfire, and when all the trees are burned, there’s nowhere for it to go. So it begins to crash,” dugtong pa niya.

Kaya naman, naniniwala si Austriaco na ang Omicron na ang senyales na matatapos na ang pandemya.

“We have to realize that Omicron is the beginning of the end of the pandemic because Omicron is going to provide the kind of population immunity that should stabilize our societies and should allow us to reopen,” wika pa ng OCTA fellow.

“This is the hope and the prayer. The Omicron is actually a blessing. It will be hard for one month, but afterwards, it should be a blessing because it should provide the population protection that we need everywhere,” dagdag pa nito.

The post Omicron variant ‘blessing’ – Fr. Austriaco first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/omicron-variant-blessing-fr-austriaco/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=omicron-variant-blessing-fr-austriaco)