Hindi pa umano masasabing kumalat na sa Pilipinas ang Omicron variant sa kabila ng pagsirit ng mga kaso ng COVID-19, ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).

“I think we now have still the Delta around but since we reported our first Omicron case way back December 5 and there has been a continuous increase in the sequencing of this Omicron virus, it looks like we will presume that the Omicron is here but it’s still not dominant,” pahayag ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega sa panyam ng ANC ngayong Lunes.

Gayunman, posible pa rin umanong maging dominanteng variant ang Omicron sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo.

“I think in about three to four weeks, as predicted, the Omicron will be dominant in terms of 50% to 90% of the cases, overtaking the Delta virus. But the Delta virus is definitely still around with us,” wika pa ni Vega.

Ang Omicron umano ay mas nakakahawa kumpara sa Delta variant, kaya naman inihahanda na umano ng ahensya ang muling pagtaas ng mga kaso ng COVID sa mga susunod na araw.

“We are preparing our health system capacity, our testing, isolation so that we are all prepared in this another ride in the wave of this Omicron virus,” saad pa ni Vega. (mjd)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Omicron variant ‘di pa laganap sa ‘Pinas – DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/omicron-variant-di-pa-laganap-sa-pinas-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=omicron-variant-di-pa-laganap-sa-pinas-doh)