Hindi umano dapat ipangamba ng publiko ang bagong kautusan ng pamahalaan kung saan hindi na dadaan sa quarantine ang mga bakunadong biyahero na pumapasok sa Pilipinas mula ibang bansa, ayon kay Department of Tourism (DOT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon sa kalihim, siniguro ng pamahalaan na aprubado ng mga health expert ang naturang kautusan.

“It’s very safe naman daw to do away with quarantine as long as fully vaccinated at may negative RT-PCR [test] for 48 hours,” saad ni Puyat ngayong Lunes.

Sa naturang kautusan, hindi na dadaan sa quarantine – sa pasilidad man o sa sariling bahay – ang mga darating na bakunadong returning overseas Filipino simula Pebrero 1.

Para naman sa mga bakunadong banyaga, kung galing sila sa mga visa-free country ay hindi na rin mandatory ang quarantine sa pasilidad. Magiging epektibo ito simula Pebrero 10.

“Self-monitoring na lang and paalala pa rin na we have to follow minimum health and safety protocols,” wika pa ni Puyat.

Kapalit ng quarantine, kailangang mag-presenta ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga dumarating sa bansa via international flight. Dapat kinuha ang COVID test nang ‘di lalampas sa 48 oras bago umalis sa pinanggalingang bansa. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Pag-alis ng quarantine sa dumadating sa ‘Pinas aprub ng eksperto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pag-alis-ng-quarantine-sa-dumadating-sa-pinas-aprub-ng-eksperto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pag-alis-ng-quarantine-sa-dumadating-sa-pinas-aprub-ng-eksperto)