Mga bata sa Metro Manila muna ang uunahing bigyan ng COVID vaccine para sa mga edad 5-11 ngayong Pebrero.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles sa harap ng nakatakdang pagbakuna sa mga bata.

Ayon kay Nograles ito ay batay sa nakalatag na rollout strategy ng COVID-19 vaccines para sa buong bansa.

Sinabi ni Nograles na magiging phase by phase ang magiging diskarte para sa pagbabakuna at hindi ito sabay sabay.

Ang Metro Manila aniya ang magiging bahagi ng phase 1 na itinakdang umpisahan sa Pebrero 4.

“Ito po ay sisimulan na sa February 4, 2022. Phased approach po ito, ang phase 1 ay gagawin sa 24 na lugar sa Metro Manila,” ani Nograles.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 15.56 million na mga batang edad 5-11 ngayong taon.

The post Pagbakuna vs Covid sa mga batang edad 5-11 sa Metro Manila muna — Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbakuna-vs-covid-sa-mga-batang-edad-5-11-sa-metro-manila-muna-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagbakuna-vs-covid-sa-mga-batang-edad-5-11-sa-metro-manila-muna-palasyo)