Hindi umano pupwersahin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo na dumalo sa mga ioorganisa nitong debate bago ang eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi mandatory ang pagdalo sa mga debate, kahit pa Comelec ang nag-organisa nito.

“Under the law, participation in debates is not mandatory. Wala tayong choice,” pahayag ni Jimenez sa panayam ng ANC ngayong Martes.

Gayunman, nakikita umano ni Jimenez na dadalo ang mga kandidato sa mga debate dahil na rin sa maganda itong entablado upang ihayag ang kanilang plataporma nang wala silang ginagastos.

“However, historically speaking, when the debate has been organized by the Comelec, or if the Comelec has taken a lead role in organizing the debates, the candidates do come,” aniya.

“They don’t have to, but they do come, because it is a massive airtime, and they do get massive coverage that they could not normally get otherwise without paying, or without running afoul of the time limits for broadcast advertising,” dagdag pa ng Comelec official.

Magkakaroon umano ng tig-tatlong debate para sa mga presidentiable at vice presidental candidate. (MJD)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Pagdalo sa debate ‘di pwersahan – Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagdalo-sa-debate-di-pwersahan-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagdalo-sa-debate-di-pwersahan-comelec)