Labag umano sa Konstitusyon ang kautusan ng pamahalaan na paghigpitan ang mga hindi bakunado mula sa paglabas ng kanilang tahanan at sa paggamit ng pampublikong transportasyon, ayon kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Atty. Persida Acosta.

Si Acosta ay hindi rin bakunado kontra COVID, dahil naghihintay umano siya sa isang ‘protein-based’ na vaccine.

Aniya, labag sa Bill of Rights section 1 ang naturang kautusan laban sa mga hindi bakunado, dahil nakasaad umano dito na “no person shall be deprived of life, liberty and property without due process of law” at “no person can be denied of equal protection of the law.”

“I think the policy of the mayors is highly unconstitutional and against the law because Republic Act 11525 states that vaccine cards shall not be necessary for educational, any transactions and yet they are syncopating. Nilalabag nila ang batas eh,” pahayag ni Acosta sa panayam ng ANC ngayong Lunes.

“Para bang you need magpabakuna para pasakayin ka (ng public transportation),” dagdag pa ng PAO chief.

Sa kabila nito, sinabi ni Acosta na hindi dapat sisihin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naturang kautusan.

“We cannot blame the President because he believes the only way to curb the pandemic is by vaccination,” aniya. “I respect the President , he’s like a father to us. He’s just doing his best so that people will be saved from the pandemic. Wala siyang sinabing labagin niyo ang Constitution, wala siyang sinabing labagin ang batas.” (MJD)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Paghihigpit sa ‘di bakunado labag sa Konstitusyon – Acosta first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paghihigpit-sa-di-bakunado-labag-sa-konstitusyon-acosta/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=paghihigpit-sa-di-bakunado-labag-sa-konstitusyon-acosta)