Naglabas ng tsunami warning ang Japan matapos na sumabog ang isang bulkan sa ilalim ng dagat sa Tonga nitong Sabado.

Bukod pa riyan, nagdulot din ito ng malalaking alon sa ilang isla sa South Pacific.

Ayon sa meteorogical agency ng Japan, ang mga alon na aabot sa tatlong metro (9.84 talampakan) ay inaasahan sa isla ng Amami.

Hinimok din ng nasabing ahensya ang mga tao na huwag lumapit sa dagat hangga’t hindi pa nagbababa ng tsunami advisory at hindi pa naaalis ang banta ng tsunami.

The post Pagsabog bulkan sa Tonga maaring magdulot tsunami sa Japan, Pacific Island first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagsabog-bulkan-sa-tonga-maaring-magdulot-tsunami-sa-japan-pacific-island/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pagsabog-bulkan-sa-tonga-maaring-magdulot-tsunami-sa-japan-pacific-island)