Nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na alisin sa opisyal na balota sa darating na halalan ang Malasakit Movement party-list.

Ayon sa Office of the Clerk of the Commission (OCOC), dahil sa ‘pending incident’ ng Malasakit kaya hindi ito makakasama sa pinal na listahan ng mga kakandidatong party-list group.

“In performance of this mandate, the OCOC hereby notifies that party-list registrant Malasakit Movement Inc. (Malasakit Movement) has been excluded in the final listing of party-list candidates to appear in the ballot in connection with the May 9, 2022 National and Local Elections in view of the resolution of its pending incident,” saad sa pahayag.

Si dating Metropolitan Manila Development Authority spokesperson Celine Pialago ang unang nominee ng Malasakit.

Bago pa ilabas ang desisyon, isa na ang Malasakit sa 13 party-list group na naka-pending ang aplikasyon sa Comelec.

Dahil dito, walang number 96 sa balota para sa party-list.

Ang mga barangay kagawad, tanod at health worker umano ang nirerepresenta ng Malasakit Party-list.

The post Party-list ni Celine Pialago buburahin sa balota first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/party-list-ni-celine-pialago-buburahin-sa-balota/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=party-list-ni-celine-pialago-buburahin-sa-balota)