Isa si presidential aspirant at Senador Ping Lacson sa mga naglabas ng negatibong komento kaugnay ng pagpapakulong sa isang 80-anyos na lolo na nagnakaw lang umano ng mangga.

Sa kanyang Twitter post, ikinuwento ni Lacson ang ‘A Tale of Two Thieves.’

Ani Lacson, ang lolong si Narding Floro ay inaresto dahil lamang sa pagnanakaw sa 10 kilo ng mangga na mula sa puno na sakop dapat ng kanyang bakuran.

“A TALE OF TWO THIEVES: Police arrested 80 year old Lolo Narding Floro for stealing 10 kilos of mangoes from a tree which he said he planted in what used to be his backyard,” saad ni Lacson sa kanyang tweet.

Sa kabilang dako, inilahad ng senador na may isang opisyal ng gobyerno na bukod sa patuloy itong nagnanakaw ng milyon sa kaban ng bayan ay pagala-gala lamang ito kasama ang mga police escort.

“Government official X keeps stealing millions in public funds. He is free traveling with police escorts,” wika pa ni Lacson.

Bukod dito, hindi na idinetalye pa ni Lacson ang tinutukoy niyang government official.

Ang pag-aresto kay Floro ay ikinagalit ng maraming netizen.

The post Pasaring ni Ping: Isang opisyal ng gobyerno panay ang nakaw, gala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pasaring-ni-ping-isang-opisyal-ng-gobyerno-panay-ang-nakaw-gala/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pasaring-ni-ping-isang-opisyal-ng-gobyerno-panay-ang-nakaw-gala)