Mainit ang mga naging sagot ni Brenda Mage nang tanungin kung sino sa mga boy housemate ang talagang may maipagmamalaki.

Sa vlog ni Tita Jegs, naitanong kay Brenda kung sino ang pinaka-daks sa kanyang mga nakasama sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’.

Sey ng komedyante, si KD Estrada daw ang talagang pansinin sa mga housemate.

“Si KD. Lagi naming pinag-uusapan ‘yan sa loob eh,” wika ni Brenda.

“Ano talaga si KD, anlaki ng ano mo talaga! Pinagpala ka talaga!” aniya pa.

Bukod pa diyan, sinabi rin ni Brenda na malaki rin umano ang ‘bukol’ ni Benedix Ramos.

Inamin din ni Brenda na nakikita niya ang mga tagong parteng katawan ng ibang housemate, ngunit hindi naman daw niya ito sinasadya.

“May mga nakita ako, kasi kami naka-towel pag naliligo, pag nagbibihis na, nakita mo lang, pero hindi yung nangboboso talaga,” paliwanag ni Brenda.

The post Pinagpala talaga! Brenda Mage niladlad sinong pinaka-daks na housemate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinagpala-talaga-brenda-mage-niladlad-sinong-pinaka-daks-na-housemate/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinagpala-talaga-brenda-mage-niladlad-sinong-pinaka-daks-na-housemate)