Sa isang segment ng “It’s Showtime” tila pinariringgan ni Vice Ganda ang entertainment news writer na si Lolit Solis.
Sinabi ni Vice Ganda na piliing mabuti ang i-su-subscribe sa social media dahil kung puro pangit na balita ang laging pinapanood o binabasa ay nakakapangit ito.
“Depende iyan sa mga sina-subscribe-an niyo, e, kung saan mo ine-expose yung sarili mo. Nakukuha mo yung energy na iyon kung yung mga sina-subscribe niyo, pinapanood, o binabasa, masasaya, gumaganda. Pag sina-subscribe niyo, pinapanood niyo, pinapakinggan, pinaniniwalaan o binabasa yung mga pangit na chika, nakakapangit iyan,” ani Vice.
Kaya hirit ni Vice: “Kaya, di ba, ang mga pinakapangit na tao sa mundo yung mga Marites?”
Ayon pa kay Vice, kasing sahol ito ng mga masasamang gawain.
“Kasi pagkatapos ng mga magnanakaw, Marites na iyon, e. Ganoon kapangit.
“Na-realize ko, lalo na nung end of 2021, parang masyado nating ginagamit yung term na Marites, akala ng mga tao cute iyon. Kaya ang daming nagpapaka-Marites kasi akala nila ay pag Marites, cute ka. No.
“Ang pangit ng Marites. After ng magnanakaw, kriminal, Marites,” pahayag ni Vice.
Matatandaang kamakailan, nag-post si Manay Lolit sa Instagram kung saan ayon sa kaniya ay nagpa-power trip ang komedyante sa kaniyang mga co-host.
Sinabi rin nito na maraming horror story ang kumakalat dahil sa pagbabago umano ng ugali ni Vice.
Ngunit, nilinaw naman ni Jugs Jugueta sa comment na masaya sila sa Showtime ngayon.
(Sherrylou Nemis)
Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinaparinggan-si-lolit-vice-sa-marites-pinakapangit-na-tao-sa-mundo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pinaparinggan-si-lolit-vice-sa-marites-pinakapangit-na-tao-sa-mundo)
0 Mga Komento