Magpapakalat umano ang Philippine National Police (PNP) ng mga kawani nito sa mga pampublikong sasakyan upang siguraduhin na sumusunod ang mga pasahero at tsuper sa ‘no vaccination, no ride’ policy ng pamahalaan.

Ayon kay PNP spokesperson Roderick Alba, ang mga kawani ng pulisya ay magkukunwaring pasahero, o ‘mystery passenger’ upang ‘di mapansin ng karaniwang pasahero ang pagsakay ng mga ito.

“Yes, we will do this in the next coming days,” pahayag ni Alba sa panayam ng Teleradyo ngayong Martes. “We will not announce kung kailan o saan.”

Aniya, ang mga ‘mystery passenger’ ng PNP ay palihim na kukunin ang plaka ng pasaway sa pampublikong sasakyan maging ang ruta ng mga ito, at ipagbibigay-alam ang kanilang pagsuway sa polisiya sa mga kinauukulan.

Ang Department of Transportation (DOTr) ang unang nagpadala ng mga mystery passenger na sinimulan nila nitong Lunes. (MJD)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post PNP magpapakalat na rin ng ‘mystery passenger’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-magpapakalat-na-rin-ng-mystery-passenger/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pnp-magpapakalat-na-rin-ng-mystery-passenger)