Nagpaalala si Pope Francis sa mga magulang na huwag ipahiya o parusahan ang kanilang mga anak kung ito ay bakla.
“Never condemn a child,” saad ni Pope Francis nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng USA Today.
Paalala ng Santo Papa, kung ang mga magulang ay napapansin na may ibang oryentasyong sekswal ang kanilang mga anak, dapat nilang isaisip kung paano nila aalagaan at sasamahan ang mga ito nang walang ‘condemning attitude.’
Sa kanyang mga naunang panayam, binanggit na rin ni Pope Francis ang mga bakla at transgender bilang anak ng Diyos, at inendorso na rin niya ang civil union para sa mga ito.
“Homosexual people have the right to be in a family. They are children of God,” saad ni Pope Francis sa isang panayam noong 2020. “You can’t kick someone out of a family, nor make their life miserable for this. What we have to have is a civil union law; that way they are legally covered.” (MJD)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pope-francis-sa-mga-magulang-tanggapin-anak-na-beki/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pope-francis-sa-mga-magulang-tanggapin-anak-na-beki)
0 Mga Komento