Inilabas na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa presong napatay matapos barilin ng kanyang mga kapwa bilanggo na tumakas sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa noong Lunes.

Ayon sa ulat, ang napatay na preso ay si Michael Dullavin, 46-anyos.

Si Dullavin ay pinagbabaril ng apat na preso na tumakas mula sa NBP noong Lunes dahil ayaw umano nitong buksan ang gate.

Kasama niyang nabaril ang tatlong kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) na pawang mga bantay ng bilangguan.

Isinugod sila sa pagamutan ngunit binawian na ng buhay si Dullavin noong Martes.

Sa kasamaang-palad, malapit na sanang lumaya mula sa bilangguan ang napatay na preso.

Sa mga nakatakas na preso, dalawa na lamang ang pinaghahanap matapos mapatay sa manhunt operation ang dalawa pa.

The post Presong napatay ng kapwa bilanggo sa NBP tukoy na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/presong-napatay-ng-kapwa-bilanggo-sa-nbp-tukoy-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=presong-napatay-ng-kapwa-bilanggo-sa-nbp-tukoy-na)