Nagtagumpay ang mga doktor sa University of Maryland School of Medicine at University of Maryland Medical Center sa pag-transplant ng puso ng isang genetically modified na baboy para sa isang lalaki na malala na ang sakit sa puso.

Ayon sa ulat ng Baltimore Sun, sa ngayon ay maayos pa ang lagay ni David Bennett, 57-anyos, matapos bigyan ng puso ng baboy.

Na-diagnose umano si Bennett na may terminal heart disease at tinanggihan na ng mga ospital para sa isang normal na heart transplant.

Sa ngayon, titingnan ng mga doktor ang kondisyon ng lalaki upang obserbahan kung paano tatanggapin ng katawan nito ang puso ng baboy.

“It was either die or do this transplant. I want to live,” pahayag ni Bennett bago ang operasyon. “I know it’s a shot in the dark, but it’s my last choice.”

Umaasa naman ang mga doktor ni Bennett na ang tagumpay na ito ay makatutulong lalo pa’t may problema rin pagdating sa kakapusan ng mga organ para sa mga transplant.

“There are simply not enough donor human hearts available to meet the long list of potential recipients,” pahayag ni Dr. Bartley P. Griffith. “We are proceeding cautiously, but we are also optimistic that this first-in-the-world surgery will provide an important new option for patients in the future.”

Ang heart transplant kay Bennett ay inaprubahan sa bisa ng ‘expanded access’ o ‘compassionate use’ provision ng US-Food and Drug Administration. (MJD)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Puso ng baboy sinalpak sa kelot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/puso-ng-baboy-sinalpak-sa-kelot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=puso-ng-baboy-sinalpak-sa-kelot)