Naging madali para sa mga mangingisda ang paghuli ng mga isda matapos na magsitalunan ang mga ito sa kanilang mga bangka sa Tibiao, Antique.
Laking pasasalamat ng mga mangingisda dahil napuno ang kanilang mga bangka ng mga isda.
Nakahuli ang mga ito ng tamban, matambaka, barracuda at tanigue, ayon sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado.
Batay naman sa isang fisheries technologist, dumarami ang mga plankton tuwing Amihan season dahilan para magsilabasan ang mga isda para kumain nito. (Sherrylou Nemis)
‘Best of Sportalakan’ Sabong edition
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sangkaterbang-isda-nagtalunan-sa-bangka-ng-mga-mangingisda-sa-antique/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sangkaterbang-isda-nagtalunan-sa-bangka-ng-mga-mangingisda-sa-antique)
0 Mga Komento