Ipinagmamalaki ng sexy actor na si Sean de Guzman na matinding effort ang ibinigay nila ni AJ Raval sa bawat eksena ng bago nilang pelikula na ‘Hugas.’

Kwento ni Sean, binuhos nilang lahat ang kanilang makakaya sa naturang proyekto, na pinag-uusapan ngayon sa social media dahil sa sangkatutak na bed scene.

“Lahat naman ng mga ginagawa naming projects, ginagawa talaga namin lahat ng maibubuhos namin. Ginagawa naming passion talaga namin yung pinapakita namin,” saad ni Sean sa virtual media conference ng naturang pelikula.

“So sana ma-appreciate nila yung mga manunuod and sana sa mga makaka-appreciate. Lagi naming tinotodo. Hindi na kami naiilang sa isa’t isa dahil may mga pelikula na kami na ginawa,” dagdag pa ng aktor.

“Siguro yung mga difference sa mga past projects namin, action ito tapos mas maangas yung mga madidikit ko na word sa pelikulang ito. Pinaghandaan talaga namin ito bago kami isalang ni direk. Nag-training kami, nagpakapagod muna kami bago kami sumalang sa mga eksena,” aniya.

Kaya naman, matapos ang ‘Hugas’, sinabi ni Sean na balak nila ni AJ na mas makilala pa, kung saan inaasam nila na magkaroon ng pelikula na makakapasok sa isang international film festival. (MJD)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Sean de Guzman ‘nag-training, nagpakapagod’ bago sumalang sa ‘Hugas’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sean-de-guzman-nag-training-nagpakapagod-bago-sumalang-sa-hugas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sean-de-guzman-nag-training-nagpakapagod-bago-sumalang-sa-hugas)