Sinuportahan ni Senate President Tito Sotto ang kanyang running mate na si Senador Ping Lacson matapos ang paratang ni Bise Presidente Leni Robredo na kulang sa gawa ang presidential aspirant.
Ani Sotto, bago sa kanyang pandinig ang sabihin na walang nagawa si Lacson sa loob ng mahabang panahon na ginugol nito sa serbisyo publiko.
“Yun palang pinatino ang PNP, nilabanan ang korapsyon sa pera ng bayan at 18 taon na maraming mahalagang batas na inakda ay walang ginawa! Aba, bago yun ah!” saad ni Sotto sa kanyang tweet nitong Miyerkoles.
Yun palang pinatino ang PNP, nilabanan ang korapsyon sa pera ng bayan at 18 taon na maraming mahalagang batas na inakda ay walang ginawa! Aba, bago yun ah!
— Tito Sotto (@sotto_tito) January 26, 2022
Bago rumesbak si Sotto, naunang bumanat si Lacson kay Robredo para sabihin na hindi lang talaga siya epal.
Ang pahayag na ito ng Lacson-Sotto tandem ay kasunod ng naging sagot ni Robredo sa panayam ni Boy Abunda na hindi dapat iboto si Lacson dahil marami itong salita ngunit kulang sa ‘on the ground’ the gawa. (MJD)
The post Sotto: Ping walang nagawa? Bago yun ah! first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sotto-ping-walang-nagawa-bago-yun-ah/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sotto-ping-walang-nagawa-bago-yun-ah)
0 Mga Komento