Naka-quarantine ngayon si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III matapos ma-expose sa isa nitong staff na nagpositibo sa COVID-19.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, dumalo si Duque sa pamamagitan ng virtual meeting at personal na ipinaalam sa Presidente ang kanyang sitwasyon.
“By the way, Mr. President, I am in quarantine since I got exposed to my staff who tested positive last Friday. So bukas po magpapa-test ako and hopefully negative, but I’ll be under quarantine until the 8th or 10 days in all,” ani Duque.
Nagpakita naman ng pag-aalala ang Presidente at tinanong ang kalihim kung may lagnat ba ito at mga nararamdamang sintomas ng COVID-19.
“So far, I’m okay, Mr. President, wala naman po akong sintomas. Wala pa, sir. Knock on wood, sana wala po,” dagdag ni Duque.
Sinabi ng Presidente sa kalihim na sana hindi ito magkasakit lalo na ngayong sumisipa ang mga kaso ng Omicron variant at kailangan ito sa pagharap sa bagong hamon sa nararanasang COVID pandemic.
“Huwag kang magsakit-sakit diyan kasi mawalan tayo ng general dito sa health issues,” anang Pangulo. (Aileen Taliping)
Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/staff-tinamaan-ng-covid-duque-quarantine-muna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=staff-tinamaan-ng-covid-duque-quarantine-muna)
0 Mga Komento