Kumportable na umano si Sue Ramirez sa mga love scene nila Zanjoe Marudo sa bagong palabas na “The Broken Marriage Vow” ng ABS-CBN Network.

Ayon sa aktres, naging malaking tulong ang paghanga niya kay Zanjoe dahil naibuhos niya ang lahat ng kaniyang emosyon sa pag-arte.

“May mga emosyon tayo na hindi natin pwede pigilan, guys. So, dahil crush ko si Z, kailangan kong i-channel ‘yung emotion ng kilig, ng gigil din. Tapos lagyan mo ng kaunting spice, landi gano’n. At nakatulong sa akin na crush ko siya kasi hindi na mahirap i-desire siya dahil crush ko nga,” pahayag ni Sue sa solo online presscon ng nasabing palabas.

Dagdag pa ni Sue, nagpapasalamat siya sa gabay sa kaniya ni Zanjoe, lalo na sa mga love scene nila dahil nawawala umano ang ilangan sa kanilang dalawa.

“Very grateful ako na, ang lalaki nu’ng love scenes, pero hindi ko naramdaman na kinailangan ko mailang. Hindi niya ko binigyan ng dahilan para maramdaman iyon,” paliwanag nito.

Aniya, bata pa lang daw siya at hindi pa artista ay crush na talaga niya ang aktor.

“Bata pa lang ako at hindi pa artista, siya na talaga ang showbiz crush ko,” pag-amin nito.

Samantala, mapapanood ang “The Broken Marriage Vow” sa Enero 24. (Sherrylou Nemis)

Abantelliling with Ritz Azul

The post Sue, Zanjoe walang ilangan sa kama first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sue-zanjoe-walang-ilangan-sa-kama/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sue-zanjoe-walang-ilangan-sa-kama)