Sumiklab ang isang sunog sa residential area sa Quezon City nitong Linggo.

Ayon sa ulat ng dzBB, nasunog ang lugar ng Diamond Hills Molave Extension, sa Barangay Payatas.

Itinaas naman ng mga awtoridad sa unang alarma ang apoy sa nasabing lugar.

Kasalukuyan pa ring inaapula ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region ang sunog.

The post Sunog sumiklab sa residential area sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-sumiklab-sa-residential-area-sa-qc-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunog-sumiklab-sa-residential-area-sa-qc-2)