Hindi maikakailang sa tuwing tumatabi si Sunshine Cruz sa kanyang mga anak ay ‘di aakalaing siya ang nanay ng mga ito.

Isa sa mga patunay ang huling Instagram post ni Sunshine kasama ang mga anak na sina Sam at Chesca.

Sa naturang post, ikinuwento ng aktres kung paano siya sumabay sa workout kasama ang dalawang dyunakis.

“I’m glad my girls are into fitness and staying healthy. They encouraged me to workout with them today. My three girls inspire me to push myself more. Thanks mga anak,” saad ni Sunshine sa caption.

Sa kabila ng edad niyang 44, kapansin-pansin na parang ‘di nalalayo ang itsura ni Sunshine sa dalawang dalagang anak.

Sina Sam at Chesca ay dalawa sa tatlong anak ni Sunshine sa dating asawa na si Cesar Montano. (MJD)

The post Sunshine Cruz kasing seksi ng mga dyunakis first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunshine-cruz-kasing-seksi-ng-mga-dyunakis/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sunshine-cruz-kasing-seksi-ng-mga-dyunakis)