Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 13 pagyanig sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa ulat ng Phivolcs ngayong Lunes, ang isa sa mga pagyanig ay isang volcanic tremor na tumagal ng tatlong minuto.
“Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano Network ay nakapagtala ng labing-tatlong (13) volcanic earthquakes, kabilang ang isang (1) volcanic tremor na tumagal ng tatlong (3) minuto at patuloy ang low-level background tremor na naitala simula noong ika-7 ng Hulyo 2021,” pahayag ng Phivolcs.
Bukod sa pagyanig, nabuga in ang bulkan ng 4,829 tonelada ng asupre, na bunga ng pag-apaw ng volcanic gas sa bukana ng Taal.
Sa kabila nito, nanantiling nasa Alert Level 2 ang Taal volcano. (MJD)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taal-inuga-ng-13-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taal-inuga-ng-13-lindol)
0 Mga Komento