Ipinagmamalaki ni Senatorial aspirant Monsour del Rosario ang ipinakitang kagalingan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa naganap na presidential interview sa GMA-7 nitong Enero 22.

Pahayag ni Del Rosario, wala umanong i
binatbat ang ibang kandidato sa mga sagot ni Lacson. Aniya, ipinakita lang nito na handa si Lacson mamuno sa Pilipinas.

“Walang binatbat lahat nung kasabay sa interview ni President Ping Lacson. Doon mo makikita kung sino ang handang magtrabaho para sa mga Pilipino,” ani Del Rosario.

Dagdag pa niya na tama siya sa piniling presidente dahil aniya lahat ng plano nito ay pinag-isipan at hindi bara-bara.

“Walang paligoy-ligoy at walang kinatakutang tanong. Nag-iisip at ‘di bara-bara o teka-teka ang plano. Kaya di ako nagkamali sa sinamahang Pangulo,” dagdag pa nito.

Si Del Rosario ay dating kinatawan ng Makati, na ngayon ay tumatakbong senador sa Eleksyon 2022, sa ilalim ng ticket nina Senator Lacson at Senate President Tito Sotto. (Sherrylou Nemis)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Taob silang lahat! Del Rosario pinagmalaki si Lacson sa presidential interview first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/taob-silang-lahat-del-rosario-pinagmalaki-si-lacson-sa-presidential-interview/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=taob-silang-lahat-del-rosario-pinagmalaki-si-lacson-sa-presidential-interview)