Sa ganda, talino, at bait ni Alexa hindi maiwasan ng mga netizen na itambal siya sa tatlong co-housemate sa “Pinoy Big Brother.”

Itinatambal kasi ang dalaga kay KD Estrada, Eian Rances, at Benedix Ramos.

Ani Alexa, nakaka-stress umano ang mapareha sa tatlong lalaki lalo pa’t ayaw niyang masangkot sa mga away ng iba’t iba fandom.

“Ang ganda ko ‘di ba, ang haba ng hair ko!“ pagbibiro ng aktres.

“Honestly it’s stressful but I’m still really grateful because they all love me. It’s just hard to handle them. Sa mga fandom naba-bash ako,” pahayag ng aktres.

Hindi naman niya umano kasalanan kung nadadawit siya dahil ang gusto niya lang naman ay itrato ng pantay ang tatlong lalaking nali-link sa kaniya.

“Kasalanan ko ba ? I just want everyone na pantay-pantay, I want everyone to receive the same amount of love!“ paglilinaw pa nito.

Sa ngayon, ang gusto na lang mangyari ni Alexa para matapos na ang fandom wars ay makagawa ng proyekto kasama ang tatlong lalaki.

“If it were all up to me, I would want a project with everyone para everyone happy!“ ani Alexa.

Samantala, pinagkakaabalahan ngayon ni Alexa ang pagre-release ng kaniyang bagong single na “Paano.”

(Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post Tatlo love team! Alexa: ‘Ang ganda ko, ang haba ng hair ko’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tatlo-love-team-alexa-ang-ganda-ko-ang-haba-ng-hair-ko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tatlo-love-team-alexa-ang-ganda-ko-ang-haba-ng-hair-ko)